Mayor Boonggaling, humiling sa Quezon Prov’l IATF ng karagdagang doktor at isolation facility para sa bayan ng Candelaria

Sa naging pulong ng Quezon Provincial IATF nitong nakaraang linggo kasama ang iba’t ibang alkalde ng segunda distrito, hiniling ni Mayor Macky Boongaling sa mga nakatataas ang karagdagang mga doktor at isolation facilities para sa bayan ng Candelaria.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ito ay bunsod umano ng patuloy na paglobo ng bilang ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa nasabing bayan.

Kasalukuyang puno ang iba’t ibang COVID-19 wards sa dami ng mga nagpopositibo na nangangailangan ng atensyong medikal.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Ayon sa Integrated Provincial Health Office, nakapagtala ang Candelaria ng 27 na mga bagong kaso dahilan para sumampa pa sa 305 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa nasabing bayan. | Brian Zagala, BNFM Lucena