Mayon evacuees na nasa labas ng 6km PDZ sa Guinobatan, Albay, plano nang i-decamp ng LGU

LEGAZPI CITY – Plano nang i-decamp ng lokal na pamahalaan ng Guinobatan, Albay ang mga bakwit ng Bulkang Mayon na mula sa Brgy. Tandarora at Muladbucad na parehong nasa labas ng 6km permanent danger zone ng bulkan.

Ito ang kinumpirma ni Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) Chief Dr. Cedric Daep sa Brigada News FM Legazpi.

Sa panayam sakanya, sinabi niya na nakatakda ngayong araw ang pag-uusap ng LGU sa pangunguna ni Mayor Paul Chino Garcia tungkol sa decampment.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ayon kay Daep, pinaplano nang i-decamp ang mga ito mula sa paaralang naging evacuation facilities upang magamit na ng mga mag-aaral ngayong pasukan at upang mai-repair na rin ang ilang mga gagamitin habang may oras pa.

Dagdag pa nito, ang Guinobatan pa lamang ang naunang magplano ng decampment ngayon, at maaaring gumaya na rin ang ilang LGUs na may bakwit mula sa labas ng PDZ na magpa-decamp na rin upang magamit na ang ilang mga paaralan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Samantala, ipinunto rin ni Daep na tanging ang mga LGUs lamang na may mga bakwit mula sa labas ng PDZ ang maaaring magpa-decamp at hindi sila maglalabas ng decampment order sa mga ito dahil unang-una, wala naman silang kautusang lumikas ang mga ito.//