May-ari ng MTKR Jason Bradley at MV Mirola 1, ipina-subpoena ng Senado

Nagdala ng karagdagang problema sa maritime safety at environmental protection ng ilang lugar ang naging paglubog ng mga ship vessels sa Bataan ayon kay Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change, Chairperson, Senadora Cynthia Villar.

Kasunod nito, ipinunto niyang dapat lang na matukoy ang naging epekto nito sa bansa at mapanagot ang mga taong nasa likod ng naging pangyayari.

Read More:  Sara Duterte leads 2028 presidential preference survey with 50%

Ito ay matapos ding lumabas na nasa mahigit 350,000 na indibidwal sa coastal barangays ng Cavite ang naapektuhan nito.

Kaugnay nito, ipina-subpoena ng kanilang komite ang hindi pagharap ng may-ari ng MTKR Jason Bradley na si Romnick Ponestas at si Mary Jane Obaldo na owner naman ng MV Mirola 1.

Read More:  VP Sara’s camp questions withdrawal of two impeachment articles

Samantala, nilinaw naman ng Maritime Industry Authority (MARINA) na tanging certificate of ownership and Philippine registry lang ang mga inissue ng mga ito sa dalawang may-ari ng vessels.
#