Napatawan ang isang ginang sa Nice, France ng one-year suspended prison sentence at permanent ban na mag-alaga ng pets.

Ayon sa inilabas na desisyon ng Nice Criminal Court, guilty ang 68-anyos na babae, kasama ang kanyang asawa, dahil sa pagpapabaya sa kanilang mga alagang hayop.
Napagalaman ng mga awtoridad na 160 pusa at pitong aso inaalagaan ng mag-asawa, na nagdulot ng hindi magandang kondisyon ng kalusugan sa kanilang mga alaga.
Bukod pa rito, pinagpapabayad rin sila ng US$162,000 o PHP9,164,745 na danyos sa mga animal welfare associations.
Umapela naman ang babae sa naging desisyon ng korte dahil maituturing niyang love of her life ang kanyang mga pets.
###