Matinding init ng panahon malaking tulong sa dried fish production sa Sagñay, Camarines Sur

CAMARINES SUR — Problema man ang matinding init ng panahon para sa karamihan, “Blessing in disguise” naman ito para sa dried fish production sa Barangay Nato, sa Sagñay, Camarines Sur.

Ayon kay Bong Briguera, nasa 30 taon nang mangingisda at isa sa mga nagtutuyo ng isda sa nasabing barangay, bagaman malubha ang epekto ng mainit na panahon lalo na sa mga pananim at sa tao, isa lamang ang kanilang industriya sa natutulungan nito.

Dagdag pa ni Briguera, malaking hamon para sa kanila ang kakulangan ng nahuhuling isda sa dagat, dulot na rin aniya ng problemang kinakaharap sa mabilis na pagbabago ng klima,  kung kaya’t ngayong tag-init at maraming turista ang dumarayo at bumibili ng tuyó, nakakabawi sila sa paraang ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *