Multilateral Maritime Activity sa pagitan ng PH, US, Japan at Australia sa WPS – matagumpay!

Matagumpay at wala umanong untoward incident ang isinagawang Multilateral Maritime Cooperative Activity sa West Philippine Sea kahapon.

Ito’y sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), United States Indo-Pacific Command (USINDOPACOM), Australian Defense Force (ADF), at Japan Self-Defense Forces (JSDF).

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang naturang aktibidad na isinagawa sa loob ng Philippine Exclusive Economic Zone ay kinabibilangan ng mga sasakyang pandagat at panghimpapawid mula sa apat na bansa.

Nagsagawa ang mga kalahok ng communication exercise, division tactics o Officer of the Watch maneuver, at photo exercise, na bahagi ng pagpapalakas ng interoperability ng kanilang mga pwersa.

Sa pamamagitan ng MMCA , ayon kay Col. Trinidad, ipinakita ng mga nabanggit na bansa ang kanilang pangakong palakasin ang regional at international cooperation bilang suporta sa isang malaya at mapayapang Indo-Pacific.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *