Kita ng mga trimobile driver sa Naga City, humina

NAGA CITY – Napapakamot na lamang sa kanilang ulo ang ilang mga trimobile driver sa Naga City matapos na humina ang kanilang arawang kita dahil sa nararanasang init ng panahon, ang mga kanilang regular na mga pasahero ay iwas munang lumabas ng bahay at kung lumabas man maghapong nakatatambay sa mga malls at iba pang lugar na ma-presko o kaya mahangin.

Ayon kay Gil Belen, federation president ng Trimobile Operators Driver Association sa lungsod, pati ang dating mahabang pila ng mga trimobile sa mga malls ay umikli din na ang ibig sabihin ay kumunti ang mga ito, maagang gumarahe at iyong iba ay pumarada sa makahoy na lugar.

Sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, nabanggit ni Belen na doble ingat na rin sila dahil sa ayaw na nilang may himatayin pa sa kanilang kasamahang driver tulad ng nangyari noong nakaraang taon na ganito rin ang panahon.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *