Matibay na ebidensya – ipantatapat umano kay Alice Guo sakaling hindi ito magsalita sa susunod na pagdinig

Nakagugulat umano ang tungkol sa laki ng pera ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ang idiniin ni Senador Sherwin Gatchalian kasunod ng sinabi ni dating Senador Panfilo Lacson na nag-alok si Guo ng P1B para tulungan siyang makalusot sa mga kaso.

Sa kanyang press conference kahapon, sinabi ni Gatchalian na dahil sa P1B na kayang i-offer ni Guo, makikita kung gaano kalaki ang perang gumugulong sa POGO.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Sa katunayan aniya, noong nakaraang hearing, napag-alaman nila na ang pumasok na halaga sa account ni Guo mula 2017 hanggang 2024 ay P1.9B.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Tiningnan umano nila ang tax returns ng nasibak na alkalde, maging ang family corporations nito – at walang ganitong kalaking pera ang kinikita ng kanilang korporasyon.

Samantala, nanindigan ang senador na matibay ang ebidensyang hawak nila laban kay Guo.

Kahit hindi raw ito magsalita, ilalabas ng mga senador ang sinasabi ng ebidensya.