Budget cut sa OVP, dapat ilipat sa education sector ayon sa isang kongresista

Inirekomenda ni House Deputy Minority Leader France Castro na ilipat sa sektor ng edukasyon at iba pang essential services ang panukalang budget ng Office of the Vice President sa susunod na taon.

Ayon kay Castro, mahalagang bigyan ng prayoridad ang paglalaan ng pondo sa essential government services lalo na sa edukasyon kaya sana’y dito na lang ilipat ang halos 1.3 billion pesos na tinapyas sa OVP.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Kung tutuusin ay sapat naman aniya ang itinira sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte dahil ikinonsidera ang personnel pati na ang kanilang benepisyo.

Iginiit nito na malinaw na hindi naipaliwanag ng pangalawang pangulo ang socio-economic fund kaya dito dapat nakatutok ang budget cut.

Iminungkahi rin ng kongresista na ilipat sa Department of Education ang sampung milyong pisong pondo ng OVP na nakalaan para sa librong “Isang Kaibigan”.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Mapaglilingkuran umano nang mas maayos ang mga mag-aaral at guro dahil matitiyak na ang resources ay nakadirekta sa pagpapaigting sa educational system.

Punto pa ni Castro, kailangang masiguro na bawat piso sa national budget ay epektibong magagastos.