Ibinunyag ni Sorsogon Provl Election Supervisor Calixto Aquino Jr ang ilang hamon ng kanilang tanggapan na nararanasan tuwing eleksyon ng Sangguniang Kabataan (SK).
Sa Ugnayan sa PIA Sorsogon, sinabi ni Aquino na ang ‘material misrepresentation’ ng isang SK candidate ang madalas na kanilang nai-encounter, kabilang na dito ang mali-maling datos na inilalagay sa Certificate of Candidacy (CoC).
Kabilang dito ang fabricated age o gawa-gawang edad, residency at nationality.
Babala ng opisyal na ang maling deklarasyon ng impormasyon ng mga kandidato sa kanilang CoCs ay bumubuo sa election offense ng ‘material misrepresentation’ na pinarurusahan ng isa hanggang 6 na taong pagkakakulonh at maaaring maging batayan parasa diskwalipikasyon sa pagtakbo para sa public office at lumahok sa electoral process.
Pinaalalahanan ni Aquino na ang CoC ay isang ‘oath undertaking’ na dapat na bigyan ng makatotohanang datos at impormasyon ng isang kandidato.
Dagdag pa ng opisyal, ang kanilang natutukoy na kaso ng ‘material misrepresentation’ ay isinasangguni nila sa Comelec En Banc.
