Mataas na porsiyento ng mga nais magpabakuna kontra Covid-19, resulta ng malaking suplay ng bakuna at hindi ng brand nito

SORSOGON CITY – Naniniwala ang ilang doktor sa lungsod ng Sorsogon na ang dami ng bilang ng suplay ng bakuna pa rin ang batayan upang tumaas ang porsiyento ng mga mababakunahan kontra COVID-19.

Tugon ito ni Dr. Andrie Austine Amer De Castro sa ispekulasyon ng iilan na ang bakunang Janssen ang dahilan upang dumami ang bilang ng mga  nagpalista upang magpaturok ng bakuna. 

Read More:  MV June Aster fire death toll rises to 76 in Palawan, 13 remain missing

Ayon dito, bagama’t malaking bagay ang pagiging abelable ng Janssen o single-shot vaccine upang ma-enganyo ang mga residente na magpabakuna, ang dami ng suplay pa rin na ibinababa sa lungsod ang susi upang mabakunahan ang mga nais magpaturok.

Read More:  Kabankalan dairy hub targets 640,000 liters of milk yearly

Inihalimbawa pa nito na sa mga nakaraang buwan ng vaccination roll out, kahit na marami ang nagpahayag ng intensyon na magpabakuna ay hindi napagbigyan dahil limitado lamang ang suplay ng Sinovac at Aztrazeneca na ibinababa ng DOH sa lungsod.

PHOTO: Brigada News FM-Sorsogon / Dinumog ng senior citizens, sa pangalawang araw, ang vaccination gamit ang one-dose Janssen ng Johnson&Johnson sa Pangpang Gym sa lungsod ng Sorsogon