100-years old na Lola na dating welder, hinangaan sa pagiging fit sa kabila ng edad

Pinatunayan ng isang lola na ‘Age doesn’t matter’ sa pagiging fit dahil sa edad na 100 years old ay nakakapag-work out pa rin siya.

Binansagan siyang  “Zelda the Welder” si Michelle “Mickey” Cohen dahil siya ay naging welder ng baril noong World War II sa mga barko sa Brooklyn Navy Yard.

Ngayon, tatlong beses sa isang linggo siya mag-workout kung saan siya ay umaakyat-baba sa anim na hagdan at kung minsan ay nagbubuhat pa ng mabibigat na weights.

Ang kanyang motto ay  “There’s no trying – there’s only committing.” # # # Pauline Manga, Intern