Batangas -Nagsasagawa na ng malawakang swab testing ang pamunuan ng Department of Health Region 4A sa mga komunidad na apektado ng delta variant sa Calabarzon region.
Ang kautusang mass swab testing ay nagmula kay DOH4A Director Dr. Eduardo Janairo dahilan sa pangangailangan malaman agad ang pinagmulan ng virus, paano nag-originate at paano ito nakahawa upang agarang mapigilan na ang mas lalong pagkalat ng variant.
Nakakalap na din ng mga samples o specimen sa mga sa mga contacts ng mga nagpositibong mga pasyente at agad nang ipinadala sa Genome Center para sa kaukulang balidasyon.
Kaugnay nito ay pinakakalma ni Dr. Ed ang lahat, aniya ang importante ay wag magpanic, patuloy lamang na sundin ang community health protocols at ang pinakamahalaga ay magpabakuna kontra Covid19 virus.
Idiniin ni Dr Ed na Kahit ano pang brand ang mayroon sa mga lokal na pamahalaan, magpabakuna na. Ang importante ay magkaroon ng karadagang proteksyon upang kung mahawa at magkaroon ng virus, hindi makararanas ng “severe Covid condition.
Ang taong nagpositibo sa covid19 delta variant ay nakararanas ng sipon na walang ubo, kawalan ng pang-amoy, lagnat at pagkapagod.
Pinag-iingat din ni Dr Janairo ang mga may co-morbidity or ang mga may medical conditions gaya ng high blood pressure, heart problems o diabetes, ang mga senior citizens at mga bata ay sinasabing madalas o madaling mahawaan rin ng Delta Variant.
Sa huli tiniyak ni Dr Ed na mahigpit ang koordinasyon ng kanyang tanggapan sa mga lokal na pamahalaan na apektado ng delta variant, tuloy-tuloy din aniya ang kanilang health assessement, case investigastion at contact tracing upang masigurado ang kaligtasan at kalusugan ng publiko.
Madiin pa rin sinabi ni Dr Janairo na Doblehin ang pag-iingat lalo na sa paglabas ng mga tahanan. Pangalagaan ang kalusugan at mga sarili maging ligtas kasama na ang mga mahal sa buhay.