CAMARINES NORTE- “Huwag nang ulitin”!
Ito ang paalala ni Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo sa mga school head at guro kaugnay sa nag viral noon sa social media na mask- sharing ng mga estudyante dalawang taon na ang nakakalipas.
Sa nakunang video noong June 2020, makikita ang guro sa isang eskwelahan dito sa Daet na pasimuno ng pinagpasa- pasahang face mask na pinasuot sa mga estudyante sa tila graduation ceremony.
Ang bagay na ito ay umabot sa Central Office ng Department of Education at nagsagawa ng imbestigasyon sa guro.
Kalunan ay nilinaw ng DepEd na walang naganap na graduation ceremony kundi isa lamang umanong souvenir pictorial matapos na hilingin na din mismo ng mga magulang.
Ayon kay Guemo huwag na raw sana itong maulit at pinagdiinan na huwag maghiraman ng face mask.
Sa mga gagawing graduation at closing ceremony ay dapat umanong sundin nag health protocols.
Suot daw dapat ang face mask habang ginagawa ang seremonya at dapat siguruhin na maikli lang ang programa.
Kung kakailangang tanggalin ang face mask para sa picture taking ay dapat ibalik agad pagkatapos.
Dapat din umanong nakaupo lang ang participants at iwasan ang pag- ikot- ikot.
Dapat din muna aniyang iwasan ang pakikipag kamay o hand shake.
