Barkong tatlong buwan nang palutang-lutang sa Subic Bay, iinspeksyunin ng mga otoridad

Iinspeksyunin ng Philippine Coast Guard at PNP Maritime ang isang barkong palutang-lutang sa Subic Bay Freeport Zone tatlong buwan na ang nakakaraan.

Ito ay makaraang malaman na ang barko ay hinila nang nasirang tugboat mula Taiwan papunta sanang Indonesia.

Read More:  Negros Occidental proposes P8.52B budget for 2027, P900M higher than 2026

Ayon kay Subic Pcg Station Commander Petty Officer 2 Nathaniel Gamis, nabili ng negosyante sa Indonesia ang barko kaya pinahatak sa tugboat na nasiraan ng makina malapit sa Subic hanggang sa sumadsad sa dalampasigan.

Read More:  Pickup driver falls asleep, hits tricycle, motorcycles and store in Bacolod

Una nang ininspeksyon ang laman ng tugboat at maliban sa labing isang Indonesian ay wala namang nakitang sakay na kontrabando.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO