Ipinag-utos na ng Lokal na Pamahalaan ng Masinloc, Zambales na ibalik muna ang pagkakaroon ng talipapa sa mga barangay.
Inatasan ni Mayor Arsenia Lim ang mga punong barangay na maghanap ng lugar na paglalagyan ng kanilang talipapa.
Kasabay rin nito ay inabisuhan na ng LGU ang pamunuan ng palengke na makipag-ugnayan sa mga manininda para sa pagtatayuan ng mga istruktura at ayusin ito.
Samantala, ang kautusan ay dahil na rin sa pagkakaroon ng kumpirmadong kaso ng delta variant sa lalawigan at magiging epektibo ito mula sa araw ng Linggo.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
