Binatikos muli ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko ng kaniyang adminsitrasyon, kasabay nang pagdipensa niya sa mga miyembro ng kaniyang Gabinete mula sa mga alegasyon ng korapsyon.
Ayon sa Pangulo, dapat ay maniwala ang publiko sa kaniya at sa mga kalihim na walang korapsyon sa gobyerno.
Anya, hindi dapat paniwalaan ang mga imbestigasyon ng Senado dahil wala naman umano ang nangyayari rito.
Iginiit ng Pangulo na puro lang ito postura, ngunit wala naman narerekomenda o nadedemanda pagkatapos.

Binigyang diin ng Punong Ehekutibo na siya ang huling tao na magsisinungaling sa publiko.
Tiniyak naman ng Pangulo na malalaman lagi ng publiko kung saan napupunta ang pera ng gobyerno.
Mababatid na ito na ang ikalawang beses na nagsagawa ang Pangulo tungkol sa mga alegasyon ng korapsyon laban sa kaniyang administrasyon, matapos kwestyunin sa report ng Commission on Audit ang paggamit ng Department of Health sa mahigit P67-billion COVID-19 funds.