Masbate, dating bahagi ng Sorsogon

Lingid sa kaalaman ng maraming Sorsoganon at Masbateήos, ang lalawigan ng Masbate ay bahagi noon ng lalawigan ng Sorsogon.

Ayon sa Bise Gobernador ng Masbate na si Elisa Kho, makasaysayan umano ang ugnayan ng dalawang lalawigan.

Dagdag pa nito, nahiwalay lamang ang dalawang lalawigan noong Disyembre 15, 1920 sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 2934 noong panahon ni dating Pang. Manuel L. Quezon.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Ayon pa sa opisyal, ang yumaong si Jose Zurbito na isang Masbateήo ay naglingkod bilang Gobernador ng Sorsogon mula taong 1917 hanggang 1920.

Ang Bise-Gobernador at ang asawa nitong si Gobernador Antonio Kho, kasama ang buong kinatawan ng kanilang Sangguniang Panlalawigan ay dumalo sa signing ng MOA of Sisterhood with Sorsogon.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Ang MOA signing ay ginanap sa lalawigan ng Sorsogon na pinangunahan ng Gobernador na si Edwin Hamor at buong kinatawan ng Sangguniang Panlalawigan na pinangunahan naman ni VG Krunimar Antonio Escudero.