LEGAZPI CITY – Kulungan ang bagsak ng isang high value target matapos itong mahuli sa ikinasang anti-illegal drugs operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Albay sa Purok 6, Brgy. Tuburan, Ligao City.
Kinilala itong si Robert Kenneth Buenaobra Dela Dingco, 34 taong gulang at residente ng Brgy. Batang ng kaparehong lungsod.
Ayon kay PDEA Albay head Noe Briguel, matagal nang inirereklamo ng barangay ang suspek.
Dahil dito, agad silang nagsagawa ng surveillance upang tingnan kung ito ay magpopositibo.
Nang malaman ng operatiba na mayroo itong ginagawang transaksyon sa lugar, dito na nila sinimulan ang operasyon na agad namang kinagat ng suspek.
Pinagbentahan nito ang poseur buyer ng 5 sachets ng pinaniniwalaang “shabu”.
Inaresto ang suspek matapos magkaabutan ng items.
Humigit-kumulang 25 grams ang timbang ng shabu na may tinatayang halagang PHP170,000.
Napag-alaman din na patuloy itong nagsusupply ng droga sa Oas at Ligao City.
Hawak na ito ng PDEA Albay habang inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kanya na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.