1,518 pamilya sa Payatas, bibigyan ng sariling lupa

Inaasahan na opisyal nang maipagkakaloob sa kabuoang 1,518 na pamilya sa Barangay Payatas, Quezon City ang mga lupa na kanilang tinirahan sa loob ng 40 taon.

Sa isang pahayag na inilabas ng pamahalaang lungsod ay sinabi na tinupad ni Mayor Joy Belmonte ang pangako nito sa mga residente ng Ramawil 9.6 Homeowners Association Inc. noong dalawang taon na ang nakararaan.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Nitong weekend ay pinirmahan ni Belmonte ang deed of conditional sale upang pormal na ma-acquire ang 157 parcels of land na dating pag-aari ng Landbank.

Nagpasalamat naman si Ramawil 9.6 Homeovers Association Inc. President Razul Janoras sa pamahalaang lungsod dahil sa oportunidad na ibinigay nito sa kanila para magkaroon ng security of tenure sa mga lupa na kanilang tinirahan sa loob ng maraming dekada.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Inihayag naman ni City Administrator Michael Alimurung, Head ng Housing Community Development and Resettlement Department, at ng City Appraisal Committee na nagawa nilang makumbinsi ang Landbank na ma-settle ang halaga ng property sa P209,244,000