Mas maraming aktibidad sa Peñafrancia Festival pinaghahandaan na ng NCPO

NAGA CITY- Pinaghahandaan na ng Naga City Police Office ang mas maraming aktibidad ngayong paparating na Peñafrancia Festival 2023.

Ito ay kahit halos dalawang buwan pa bago ang taunang okasyon na kilala bilang biggest Marian Devotion sa Asya na dinadaluhan ng milyong mga deboto, maliban pa ito sa maga dumarayo sa mga non-religious events.

Read More:  Coast Guard personnel killed, another wounded in Cotabato City shooting

Ayon kay NCPO Spokesperson PSMS Toby Bongon , may initial activities na ang lokal na pamahalaan ng Naga pero inaasahan nila na madaragdagan pa ito.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Sinabi naman ni City Director PCOL Nelson Pacalso, nagkaroon na ng meeting sa Communication protocols and responsibility sa mga major events. Kinunsulta ang PNP at mga organisasyon sa pagpapaabot ng impormasyon.