Cha-cha, hindi raw sagot para umunlad ang ekonomiya sa bansa – Ibon Foundation

Kabilang na si Ibon Foundation executive director Sonny Africa sa mga opisyal na hindi sinasang-ayunan ang charter change.

Ayon kay Africa, hinding-hindi makatutulong at kailangan na amyendahan ang Konstitusyon para umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Dagdag pa niya, napakaraming pwedeng gawin ng gobyerno kung gugustuhin lang talaga nitong mapalago ang ekonomiya ng bansa.

Kung titingnan raw kasi ang motibo ng mga nagsusulong ng cha-cha, hindi ekonomiya at mamamayan ang interes ng mga ito – kung ‘di pa pansarili nilang interes.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Giit ni Africa, pagtatagal sa poder ang nasa isip ng mga taong nagtutulak sa cha-cha.

Sa huli, nanindigan ang opisyal na hindi kailangan na amyendahan ang Konstitusyon para pagandahin ang ekonomiya at trabaho sa Pilipinas.