Mas pinaaga ng NIA MARIIS Head Office ang pagpapatubig sa mga sakahan ngayong dry season upang mas maaga rin ang pagsisimula ng taniman.
Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Engr. Josue Sabio, ang NIA MARIIS Acting Department Manager, sinabi niya na noong October 18 palang ay nag-release na sila ng tubig para sa mga irigasyon dahil inaasahan aniya ang mas maagang cut off sa buwan ng Marso sa susunod na taon.
Ito aniya ay upang bigyang daan ang isasagawang rehabilitasyon at konstruksyon ng kanilang irrigation facilities.
Ayon pa sa kaniya, ito ay upang malihis ang panahon ng anihan sa typhoon months at para makapag-umpisa na ng wet season sa unang linggo palang ng buwan ng Mayo.
Dati aniya ay sinisimulan nila ang pagpapatubig sa unang linggo ng buwan ng Nobyembre at buwan ng Hunyo.
Sinabi pa niya na karamihan naman sa mga magsasaka ay gusto ang maagang pagtatanim upang maagang makaani at hind maabutan ng mga bagyo.
Samantala, batay sa kanilang monitoring sa ngayon ay kasalukuyan pa lamang ang land preparation ng mga magsasaka sa kanilang nasasakupan.