Captain America, Thor, Spiderman at Cat Woman? Iyan ay ilan sa mga marvel superheroes na bhindi lamang napapanuod sa pelikula kundi maging sa totoong buhay.
Kamakailan lang, nasaksihan ang mga nasabing superheroes at tinimbog ang pamilya ng drug raffickers.
Tinawag ang nasambit na drug bust operation sa pamilyang Mariategui na “Marvel Operation” na ang nagsagawa ay ang p’wersa ng kapulisan.
Isinagawa ang operasyon sa area ng Halloween na gabi upang hindi umano maging kahina-hinala ang mga nag-ala marvel superheroes.
Nasabat din ang mga ilang pinaniniwalaang iligal na droga at nasa kustodiya na ito ng mga otoridad para sa kaukulang disposiyon.
Tunay ngang bayaning maituturing ang ang kahit na sino mang tapat na naglilingkod para sa bayan at iniisip ang kapakanan ng kahit na sino man. |𝗪𝗘𝗡𝗖𝗬 𝗟𝗜𝗦𝗔𝗬