So.Cot, nagtayo na ng mga water impounding facility bilang paghahanda sa El Niño

KORONADAL CITY- NAGTAYO na ng mga water impounding facility ang provincial government ng South Cotabato bilang paghahanda sa posibleng pagtama ng El Niño phenomenon sa susunod na buwan.

Iniahayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr na naglagay na sila ng water impounding facilities sa mga lugar na malapit sa sapa sa bayan ng Tupi.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Samantala, naghahanap pa ang mga ito ng lugar na paglalagyan ng water impounding facility sa Upper Valley area.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Sa pamamagitan nito, may mapagkukunan ng tubig ang mga magsasaka para sa kanilang mga sakahan oras na tumama ang tagtuyot lalo na’t nakatakdang ilunsad sa South Cotabato ang consolidated rice farming sa June 14.