Mga labi ni Queen Elizabeth II, nasa Edinburgh palace na

Dumating na ang kabaong na nagdadala kay Queen Elizabeth II sa Holyroodhouse Palace sa Edinburgh, ang official Scottish residence ng monarch, na kokompleto sa first leg ng final journey ng kanyang mga labi.

Ang hearse na nanguna sa seven-car cortege ay umalis ng Balmoral Castle, kung saan pumanaw ang reyna noong Huwebes sa edad na 96, ay binaybay ang 180-mile (290 kilometer) journey sa mga kalsada kung saan nakalinya ang iba pang nakikidalamhati.

Ang solemn departure ng oak casket ni  Queen Elizabeth II sa Balmoral Castle papuntang Edinburgh, ay marka rin ng pagsisimula ng odyssey ng national mourning tungod sa kanyang state funeral sa London sa Sept. 19.

Ang paglalakbay nito ay nagsimula isang araw matapos na iproklama ang kanyang anak na si Charles III bilang hari, at matapos magsama-sama ang kanyang mga apo na sina William at Harry, kasama ang mga asawa na sina Kate at Meghan para sa walkabout.

Samantala, mananatili muna ang mga labi ng reyna sa Edinburgh ng dalawang araw, para makapagbigay pugay ang iba pang tao.