Ikinagagalit ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na si Wilfredo Gonzales pa, ang lalaking nambatok, nagkasa at nanutok ng baril sa isang siklista, ang nabibigyan ng platform para ihayag ang kanyang panig.
Ito ay kasabay ng isinagawang press briefing kahapon ng Quezon City Police Department (QCPD) hinggil sa insidente.

Ayon kay Belmonte, hindi man lang daw nag-‘apologize’ o humingi ng tawad si Gonzales sa kanyang mga naging pahayag.
Sinasabi pa raw nito na siya ang ‘aggrieved party’ o yung naagrabiyado.
Maliban dito, iginiit din ng alkalde na tila sumasang-ayon lang ang QCPD, at hinihikayat pang magbigay ng kanyang saloobin ang taong nanutok ng baril.
Sa huli ay binigyang-diin ni Belmonte, na tila may nangyayaring kakaiba, at may mali sa pagtalakay ng naturang insidente.