Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos, isinagawa sa WPS

Lalo pang pinagtibay ng Pilipinas at US ang kanilang ugnayang pang-depensa.

Ito’y makaraang isagawa kahapon ang Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng Philippine Navy at US navy sa West Philippine Sea.

Ang MCA na isinagawa sa Kanlurang bahagi ng Palawan na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa ay nilahukan ng USS Mobile (LCS 26) ng US Navy at BRP Ramon Alcaraz (PS16)

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Layon ng MCA na mapahusay ang communication at operational coordination sa pagitan ng dalawang hukbo.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Ito’y sa pamamagitan ng pagsasagawa ng : communications check exercise, division tactics, officer of the watch maneuver exercise, photographic exercise, at cross deck exercise.

Inaasahan naman lalo pang mapapahusay ang interoperability at kahandaang ng dalawang pwersa para masiguro ang maritime security and stablity sa rehiyon.