Nagsimula na ang apat na araw na Regional Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2024 sa pagitan ng Philippine, Indonesia at Japan Coast Guards kahapon sa Bacolod City, Negros Occidental.
Kabilang sa barkong lalahok sa panig ng Pilipinas ang BRP Gabriela Silang.
Ang mga kalahok na bansa at nakatakdang magsgaawa ng joint maritime exercises sa search and rescue, firefighting, oil spill and equipment recovery operations at maging ang pagsasagawa ng damage assessment.
Ang pagsasagawa ng biennial MARPOLEx ay nakapaloob sa 1981 Sulawesi Sea Oil Spill Response Network Plan Agreement.
Ito na ang ika-23 beses na idinaos ang naturang maritime exercise mula nang itinatag ito noong 1986.