Marine Fish Cage project na inilagay ng BFAR sa dalawang bayan sa Camarines Norte malaking tulong sa kabuhayan ng mga benepisyaryo

CAMARINES NORTE – Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na malaki ang maitutulong ng Marine Fish Cage project na inilagay nito sa dalawang bayan sa Camarines Norte.

Ito ang ng Climate-Resilient Technology Demonstration and High-Density Polyethylene (HDPE) na ipinagkaloob sa bilang tulong Pangkabuhayan sa Samahan ng Maliit na Mangingisda ng Barangay Osmeña (SMMBO) sa Jose Panganiban at sa Barangay Mambungalon sa bayan naman ng Mercedes.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Provincial Fishery Officer Rolando Tiam sinabi nito na “resilient” sa lakas ng panahon ang naturang proyekto.

Naglagay ang BFAR ng tig sampung libong Bangus fingerlings sa nabanggit na marine fish cage project.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Para ma-qualify bilang benepisyaryo ng programa kinakailangan na isang rehistradong organisasyon ang fisherfolk group.

Tiniyak naman ni Tiam na magbibigay ng technical support ang ahensiya sa mga benepisyaryo upang mapalago ang kanilang kabuhayan.