Margielyn Didal, inoperahan dahil sa fracture sa kaliwang ankle

‘Ill be back soon’

Ito ang tiniyak ng Pinoy skater na si Margielyn Didal matapos sumailalim sa isang surgery.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng Olympian na na-dislocate at na-fracture ang kanyang kaliwang ankle matapos ang isang skate competition.

Read More:  Philippines to host two WTA Tournaments in 2027

Sa kabila nito, naging successful naman daw ang kanyang surgery.

Pinasalamatan niya rin ang mga tumulong at nag-alaga sa kanya, at gayon din ang mga nagpa-abot ng panalangin para sa kanyang mabilis na recovery.

Read More:  Amaya Cojuangco ends PH’s 12-year archery medal drought

Dahil dito – natuto umano si Margielyn na makinig sa kanyang katawan at matutong magpahinga.

Sa huli, siniguro ng Olympian na babalik din siya at nag-iwan ng payong ‘skate safe always!’