Danny Javier ng APO Hiking Society, pumanaw na

Namaalam na sa edad na 75 ang beteranong mangangawit na si Danny Javier, ang one third ng APO Hiking Society.

Sa isang Facebook post, kinumpirma ng kanyang anak na si Justine Javier Long ang pagpanaw ni Danny dahil sa komplikasyong dulot ng ilang mga karamdaman.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Umapela rin ang mga naulila ni Danny ng privacy habang inaayos pa nila ang burol ng kanilang ama.

Pinasalamatan naman ni Justine ang lahat ng mga nakiramay at nagpa-abot ng panalangin sa kanilang pamilya.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Nagtapos ang post ni Justine sa pamamagitan ng linyang ‘Sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa, kami’y kasama mo’, na mula sa isa sa mga pinakasikat na kanta ng APO na ‘Awit ng Barkada’.