Marcos: Pagdalo sa ASEAN 2022, matagumpay

Tinawag ni Pangulong Bongbong Marcos bilang matagumpay ang kanyang pagbisita sa Cambodia para sa 40th at 41st ASEAN Summit.

Sa kanyang arrival speech, binigyang diin ni Marcos na isinulong niya ang national interest sa kanyang mga pulong doon.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Sa sidelines ng Summits mula November 10 hanggang 13, nakapagsagawa ang pangulong ng bilateral talks sa ibang mga heads of states para palakasin ang relasyon at kooperasyon sa ibang mga bansa.

Ayon sa pangulo, na ang ASEAN Summit ay opurtunidad ng mga member states at dialogue partners para malaman ang stand ng bawat bansa sa bawat isyu maging ang kanilang mga concerns.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Mayroon din umanong posibleng bagong areas of cooperation sa mga bansa.

Tinapos ng punong ehekutibo ang kanyang visit sa foreign country sa isang pulong sa Filipino community doon. //MHEL PACIA