Marcos, itinalaga ang CEO ng Robinsons na si Frederick Go bilang kanyang investment adviser

Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) na itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos si Frederick Go, presidente at chief executive officer ng Robinsons Land, bilang kanyang adviser on investment and economic matters.

Ito ay kasunod ng pagkumpirma ng PCO na pinangalan din si International Container Terminal Services Inc. (ICTSI) chief financial officer Rafael Consing Jr. para sa naturang pwesto.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Samantala, inanunsyo ng listed port operator na tinanggap na ni Consing ang posisyon bilang presidential adviser on investments and economic affairs.

Pero ayon sa Palasyo, tutulong si Consing kay Go sa kanyang opisina.