Marcos ipinag-utos sa DSWD ang mas mabilis na pagtugon sa mga biktima ng kalamidad

Inatasan ni President Ferdinand Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpatupad ng mabilis na pagtugon sa mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay Marcos sa kanyang SONA, pinatitiyak niya sa DSWD na na may nakahandang sapat na family food packs ang mga field offices at non-food essentials para sa mga local government units, bago pa man tumama ang kalamidad.

Read More:  Senate minority bloc members want Gatchalian as new SP

Maliban dito, kailangan rin umanong mau maayos na koordinasyon sa pagitan ng DSWD at ng Department of Human Settlements and Urban Development para sa magandang pagpapatupad ng “Emergency Shelter Assistance Program” para sa biktima ng kalamidad.

Read More:  NBI may invite Padilla over Dela Rosa’s whereabouts

Maliban dito, paiigtingin rin ng gobyerno ang Assistance to Individuals in Crisis Situation program, para hindi umano mahirapan ang mga biktima ng krisis na dudulog sa ahensiya.

Kaugnay nito, gagawing simple ang proseso ng paghingi at pagpaparating ng tulong.