Wala nang ipapatupad ockdowns sa bansa, sa kabila ng patuloy pang pagtaas sa mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kabila na nariyan pa rin ang banta ng COVID-19, at may nadidiskrubeng mga bagong variant ng coronavirus, ay hindi na kakayanin ng bansa ang isa pang lockdown.
Sa kabila nito, mananatili naman umano ang COVID-19 alert level.
Mababatid na nakatakdang ilunsad ngayong araw ng Department of Health, kasama ng mga local government unit ang malawakang pagturok ng booster shots sa 50% ng eligible population sa bansa sa susunod na tatlong buwan.
Layunin rin ng naturang kampanya na mabakunahan ang 90% ng target senior citizen population group sa loob ng kaaprehong period.
