Nanawagan ng suporta ang kampo ni presidential candidate at dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa buong sambayanang Pilipino na suportahan ito sakaling iproklama na bilang bagong Presidente ng republika ng Pilipinas.
Ito ay sa gitna ng pangunguna nito sa partial and unofficial result ng mga boto.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, kailangan ng bawat isa na suportahan si Marcos depende aniya sa kung anong political color, race o paniniwala ng bawat isa.

Dagdag pa niya, ipagpapatuloy umano ni Marcos ang kanyang adhikain na magkaron “unifying brand of leadership” na lagi niyang sinasambit simula ng mag-announce ito ng kandidatura.
Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit tatlumpong milyon ang nakuhang boto ni Marcos para sa nagpapatuloy na bilangan.# (CLAY MARQUEZ)