PPCRV canvassing, tugma sa COMELEC transparency server

Kinumpirma ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting o PPCRV na tumugma naman ang bilang ng kanilang mga volunteers sa resulta ng halalan, kumpara sa bilang na ipinalalabas sa COMELEC transparency server.

Ayon kay PPCRV Spokesperson Atty. Van dela Cruz, wala pa ring nakikitang malaking pinagkaiba sa pagitan ng bilang nila at sa unofficial and partial count ng COMELEC.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Bago ito, una nang sinabi ng PPCRV na natanggap na nila ang higit sa 2,300 na mga election returns at patuloy pa rin ang pagdating ng mga ERs at iba pang election documents sa Quadricentennial Pavilion sa University of Santo Tomas sa Maynila.

Read More:  Palace says Dizon cleared, Cayetano not investigated in SEA Games issue

Inaasahang magtatapos ang operasyon ng PPCRV command center sa UST hanggang sa May 20.

Sa kasalukuyan, muling sinuspinde ng National Board of Canvassers ang canvassing at itutuloy mamayang alas-siyete ng gabi.
#