Marching order ni PBBM sa bagong acting Secretary ng DTI: MSME sa bansa gawing competitive

Inatasan ni Pangulong Bongbong Marcos ang bagong acting Secretary ng Department of Trade and Industry na si Ma. Christina Aldeguer-Roque na itaas ang kondisyon at competitiveness ng mga Micro Small and Medium Enterprises o MSMEs sa bansa sa pamamagitan ng digitalization at paggamit ng teknolohiya.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa Saturday News Forum, binigyang-diin ni Roque ang pangangailangang gamitin ang digital platform para maging competitive ang MSMEs.

Lalo na’t malaki anya ang populasyon ng Pilipinas na nasa 115.6 milyon, na nakikita nitong malaking merkado para sa mga produkto ng MSME.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Nabatid na bago italagang acting Secretary ng DTI, tumatayong Usec ng MSME si Aldequer-Roque.

Kahapon, opisyal na siyang nanumpa kay Pangulong Bongbong Marcos.

Nag-turnover ceremony na rin sila ni resigned DTI Sec. Alfredo Pascual kahapon.