DMW handang umasiste sa mga Pinoy na apektado ng Hezbollah-Israel conflict

Handa ang Department of Migrant Workers (DMW) na umasiste sa mga Pinoy na apektado ng Hezbollah-Israel conflict.

Kasunod na rin ito ng direktiba sa kanila ni Pangulong Bongbong Marcos na magbigay ng libreng repatriation at pagkain on-site sa mga apektadong Pinoy.

At bigyan ng assistance ang mga mare-repatriate.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Mahigpit daw na mino-monitor ng DMW ang kalagayan ng mga Pinoy, at patuloy din ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Philippine Embassy na nasa Beirut at Tel Aviv.

Sa katunayan merong labing walong Pinoy na napauwi nitong nakalipas na linggo mula Lebanon.

Read More:  New DOLE Chief Tolentino vows stronger labor safety enforcement

At may isa namang nasagip mula sa West Bank at nakatakda na ring umuwi sa bansa.

Nabatid na muling sumiklab ang kaguluhan sa pagitan ng Israel at Hezbollah, matapos akusahan ng Israel na ang Lebanon- militant group na Hezbollah ang responsable sa pagkamatay ng 12 mga bata dahil umano sa rocket launch, bagay na itinanggi ng Hezbollah.