Mahigit 60 lugar sa bansa, lubog pa rin sa baha

Lubog pa rin sa baha ang ilang mga lugar sa bansa bunsod ng pinagsamang epekto ng Southwest Monsoon, bagyong Butchoy at Carina.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, karamihan sa mga bahang lugar hanggang sa ngayon o 61 flooded areas ay matatagpuan sa Region 3 o Central Luzon, mayruon ding mangilan ngilang pagbaha na naitala sa BARMM, CAR at Region 10.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Samantala, sa ulat pa ng NDRRMC, 21 mga kalsada at 6 na tulay ang hindi parin madaraanan ng mga motorista dahil sa pagkasira.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Karamihan sa mga ito ay mula sa Region 2, CAR, Region 3 at CALABARZON.