Marathon plenary deliberations ng Senado para sa proposed 2024 National Budget, nag-umpisa na

Lumarga na ang marathon plenary deliberations ng Senado para sa propsed P5.768Trillion na National Budget sa susunod na taon.

Pinangunahan ni Senate Committee on Finance Chairperson Senador Sonny Angara ang 2024 General Appropriations Bill kung saan ay inaasahang tatagal ng hanggang November 20 ang deliberations para rito.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Unang nag-interpollate si Senadora Risa Hontiveros – sa kaniyang pagtatanong, idiniin niyang kailangang masiguro na walang mga mispriorities sa budget, at iwasan ang underspending at poor spending ng ilang mga ahensya.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Sabi ni Sen. Angara – ang mga nangungunang agencies na nag-underspend ay ang DICT, DMW, DSWD, DOE at DoT.

Iminungkahi rin ni Hontiveros ang pagkakaroon ng prohibition sa agumentation ng confidential and intelligence funds.