Bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, tumaas sa 4.5% nitong Setyembre

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Setyembre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ang unemployment rate sa 4.5% nitong Setyembre, mula sa 4.4% noong Agosto.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Katumbas ito ng 2.26million unemployed Filipinos – mas mataas ng humigit-kumulang 50,000 na mga Pilipinong walang trabaho noong Agosto.

Sa kabila niyan, mas mababa ang 2023 September unemployment rate, kung ikukumpara sa 5% noong Setmyembre ng nakaraang taon.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Inaasahan naman ng PSA na tataas ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho sa mga susunod na buwan dahil sa papasok na Holiday season.

Samantala, mayroon namang nasa 5.11million Filipinos na mga ‘underemployed’.