Mapayapang halalan sa BARMM, hangad ni MP Romeo Sema 

Nangangarap ngayon ng mapayapa at kapani-paniwalang halalan sa Bangsamoro region si Member of the Parliament Romeo Sema.

Ito ay kasunod ng papalapit na First BARMM Parliamentary election na itinakda ng Commission on Elections o COMELEC sa susunod na taon.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ginawa ng opisyal ang pahayag kasabay ng kanyang isinagawang privilege speech kahapon ng hapon sa isinagawang session ng mga myembro ng Bangsamoro Transition Authority o BTA.

Hinimok din nito ang mga nagnanais na sumabak at lumahok sa nasabing halalan na isapuso sana nila ang kapakanan ng mas maraming Bangsamoro kaysa pansariling interes.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Naniniwala si Sema na kapag nagawa ito ng bawat kandidato ay hindi malayo na maipagpatuloy ang mga magagandang nasimulan ng kasalukuyang mga namumuno sa BARMM.