Patay ang isang lalaki matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay Ilayang Talim, Lucena City nitong gabi ng Huwebes, Hunyo 27.
Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, sakay noon sa kotse ang biktimang si alyas “Manuel”, 60-anyos, nang dumating ang hindi pa nakikilalang mga suspek saka pinagbabaril sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima.
Agad na binawian ng buhay ang biktima habang ang mga suspek naman ay tumakas matapos ang insidente.
Read More: Man arrested in Maguindanao del Sur over alleged murder of LGBTQ individual in Davao City
Narekober sa crime scene ang limang (5) fired cartridge case para sa Caliber 45 at isang (1) fired deformed bullet.
Sa ngayon, patuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang madakip ang mga suspek at matukoy ang motibo nito sa pamamaril sa biktima.