Batangas City – Tumanggap ang nasa dalawampu’t anim na barangay mula sa Lobo, Batangas ng mga kagamitang pangsaka na binili ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultur.
Ang nasabing tulong at suporta ay mula sa kasalukuyang alkalde at programang “Malinis na Kapaligiran, Masaganang Agrikultura (MKMA).
Iba’t-ibang uri naman ng pangsaka ang ipapamahagi ng pamahalaan sa naturang bayan.
Kabilang dito ang IVC tank drip set irrigation, vegetable seeds, asarol, mini shove, pala at kalaykay.
Ang kagamitang ito ay magagamit upang masiguro ang ganda at kalidad ng produksyon ng agrikultura sa lugar.