Pinabulaanan ni Manny Pacquiao ang mga tsismis na nagsampa siya ng annulment sa asawang si Jinkee.
Nakipag-coffee date si Manny sa kanyang asawang si Jinkee at inilarawan ang asawa bilang kanyang “soulmate,”

Sa pamamagitan ng isang video sa kanyang TikTok page, pinasulyap ni Manny ang kanilang date at nagbigay pa ng maensahe sa mga “Marites” .
Sabi niya “Yung mga Marites d’yan, baka mamatay kayo sa inggit,” “Sa mga nagkakalat ng ganyang tsismis, parusahan kayo ng ating Panginoon sa inyong mga maling gawain”.
Si Jinkee, sa kanyang bahagi ay nagpahayag ng kanyang pagmamahal kay Manny habang nagpapakita ng mga snaps sa kanyang Instagram account ng kanilang coffee date pati na rin ang mga larawan ng kanilang pagbisita sa kanilang bagong tahanan.//CA