MANIBELA, sinabayan ng kilos-protesta ang unang araw na panghuhuli ng LTFRB sa mga na bigong magpa-consolidate

Sinabayan ng kilos-protesta ang unang araw na panghuhuli ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga traditional jeep na bigong magpa-consolidate.

Kaninang umaga nang magsagawa ng protesta sa harap ng tanggaoan ng LTFRB ang grupong MANIBELA para igiit ang kanilang karapatan at pagkontra sa PUV modernization program.

Ayon kay MANIBELA President Mar Valbuema, hindi raw nila isusuko ang kanilang mga jeep at iginiit na dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang mga colorum na patuloy na namamasada sa halip na sila ang pag-initan gayung kumpleto naman umano ang kanilang mga dokumento.

Una na kasing sinabi ng LTFRB na awtomatikong colorum ang mga Public Utilty Jeepneys ngayong araw na bigong makapagpa-consolidate na bahagi ng kautusang isinusulong ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *