Northern Mindanao – target gawing isang ‘leading agriculture hub’ ni Pangulong Marcos

Muling tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos ang suporta nito sa iba’t ibang sektor sa bansa.

Sa kanyiang talumpati sa pamamahagi ng assistance sa farmers, fisherfolk and families sa Mindanao State University – Iligan Institute of Technology, idiniin ni Marcos na susuklian niya ang suporta ng mga taga-Northern Mindanao sa kaniya.

Pangako ng Pangulo – walang rehyon sa bansa ang makalilimutang mabigyan ng tulong.

Hinikayat din ni Marcos ang mga taga Region 10 na ibida ang kanilang mga lokal na produkto.

Aniya – hangad ng administrasyon na gawing globally competitive at leading agricultural hub, major industrial tourism trade center ang buong Region X.

Para makamit ito, susuportahan daw niya ang iba’t ibang mga proyektos a rehyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *