Manibela, maghahain ng counter charge laban sa QCPD

Maghahain ng counter charge ang transport group na Manibela laban sa Quezon City Police District kaugnay sa mga nangyari sa kanilang protesta sa labas ng House of Representatives.

Ayon kay Manibela President Mar Valbuena, hinampas at sinasaktan umano sila ng mga pulis nang magsagawa sila ng protesta.

Giit pa Valbuena, kapag nakakuha sila ng kopya ng reklamo, maghahain sila ng counter charge sa Ombudsman at Commission on Human Rights.

Nauna nang inanunsyo ng QCPD na nagsumite sila ng reklamo laban kay Valbuena at dalawa pang kasamahan nito para sa nasabing protesta.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *